Connect with us

Libo-libong trabaho para sa mga piling sektor, iniaalok ng DOLE at DTI

Binuksan o inilunsad ng Department of Labor and Employment (DOLE) at ng Department of Trade and Industry (DTI) ang libo-libong trabaho para sa private at public sector.

National News

Libo-libong trabaho para sa mga piling sektor, iniaalok ng DOLE at DTI

Binuksan o inilunsad ng Department of Labor and Employment (DOLE) at ng Department of Trade and Industry (DTI) ang libo-libong trabaho para sa private at public sector.

Ang online TNK o ang Trabaho Negosyo Kabuhayan ay nag-alok ng 10,000 posisyon o employment opportunities para sa technical support, medical health care personnel at administrative staff.

Sinabi ni Labor Secretary Silvestre Bello III na ito ay bahagi ng programa ng pamahalaan para mas mabawasan o mapababa ang unemployment rate kapag binuksang muli ang ekonomiya.

Nilinaw naman ni Bello na ito ay para sa mga manggagawang natanggal sa trabaho, mga uuwing overseas Filipino workers, K-12 graduates, persons with disabilities, at mga senior citizens.

Maaaring makita ang mga job openings sa www.ble.dole.gov.ph

Ipinaliwanag ni Bello na batay sa Republic Act 11261 o iyung First Time Job Seekers Assistance Act ay maaaring gamitin ng mga   first time job seekers ang One-Stop-Shop Service na makikita sa TNK webpage para doon kuhanin ang lahat ng mga requirements sa pag-aaplay sa trabaho.

Kabilang anya dito ang mga clearances mula sa Police; NBI; at Barangay, birth certificate, marriage certificate, tax account number at ang lahat ng ito anya ay makukuha ng libre.

More in National News

To Top