Connect with us

Libo-libong pamilya, inilikas sa pananalasa ng bagyong Auring

Nasa kabuuang 3,162 na mga pamilya o halos 11,000 indibidwal ang inilikas sa Central Visayas, Eastern Visayas, Northern Mindanao at CARAGA sa paglandfall ng bagyong Auring sa bansa noong linggo.

National News

Ito ayon sa pinakahuling tala ng National Disaster Risk Reduction And Management Council (NDRRMC).

Sa kasalukuyan, mahigit sa 5,000 katao na ang nanatili sa 37 evacuation centers sa Northern Mindanao at Caraga.

Naitala naman sa Surigao del Norte at Surigao del Sur ang 44 na kabahayang matinding napinsala ng malalakas na hangin at ulan.

Dalawang kalsada at isang tulay naman ang hindi madaanan sa Eastern Visayas at Northern Mindanao.

Sa ngayon nanatili namang naka blue alert status sa posibleng epekto ng auring ang Office of Civil Defense sa Bicol Region.

More in National News

Latest News

To Top