Connect with us

LP congressman, suportado ang pagtakbo ni Mayor Sara sa 2022 election

Tila bumaliktad na si Cavite 1st District Rep. Francis Gerald "Boy Blue" Abaya na miyembro ng Liberal Party (LP)

National News

LP congressman, suportado ang pagtakbo ni Mayor Sara sa 2022 election

Tila bumaliktad na si Cavite 1st District Rep. Francis Gerald “Boy Blue” Abaya na miyembro ng Liberal Party (LP) na ngayon ay suportado na ang panawagan na tumakbong pangulo ng bansa sa 2022 si Davao Mayor Sara Duterte-Carpio sa ilalim ng Hugpong Para kay Sara Citizens Movement.

Ayon kay Abaya, walang opo-oposisyon sa pamilyang Duterte na may totoong pagmamalasakit sa kapwa kaya susuportahan nito ang posibleng kandidatura ni Mayor Sara.

“Walang opo-oposisyon sa mag-amang Duterte, maging ang Pangulo o si Mayor Sara. Kapag kailangan mo ng tulong, naroon sila. Dahil sa malasakit na yan, buong puso kong inaalay ang suporta ko sa kandidatura ni Mayor Sara para sa pagka-presidente sa 2022,” wika ni Abaya.

Diin ni Abaya, patuloy ang buhos ng tulong at proyekto ni Pres. Duterte sa Cavite mapa-ayuda, medical at burial assistance at iba pa sa ilalim ng DSWD.

“I do not know the President, nor do I know the Mayor from Davao City, and I am from the opposition [but] still the assistance keeps on coming. There is just no way I can ignore the kindness and support of the President and his daughter,” diin ng mambabatas.

Nilinaw naman ni Abaya na sariling desisyon niya ang suportahan si Mayor  Sara at hindi kinakatawan ang desiyon ng ibang LP members sa Cavite.

Bukod kay Abaya, umalis na rin sa Liberal Party si Caloocan Rep. Edgar Erice na ngayon ay nasa Aksyon Demokratiko Party ni Presidential Candidate Isko Moreno ng Maynila.

More in National News

Latest News

To Top