Connect with us

Legasiya at COVID-19 response ng Duterte Admin, dapat highlights sa SONA

National News

Legasiya at COVID-19 response ng Duterte Admin, dapat highlights sa SONA

Mas mainam na legasiya ng Duterte Administration at ang plano nito sa susunod na 12 buwan lalo na sa laban kontra COVID-19 pandemic ang higlights.
Ito ang suhestiyon ni Senate Majority Leader Juan Miguel Zubiri ngayong ika-anim na State of the Nation Address ni Pangulong Rodrigo Duterte sa July 26.
Lahat ng achievements ng administrasyon sa nakalipas na limang taon ay magandang maibida gaya umano ng universal health care, free college education, kapayapaan sa Mindanao sa pamamagitan ng Bangsamoro Organic Law, Build Build Build Program at iba pa.
Kasabay na din dito, ani Zubiri ang mga plano ni Pangulong Duterte para mapaandar ang ekonomiya ng bansa sa gitna ng pandemya.
Sa Senado naman ayon kay Zubiri, marami pa silang ipapasang mga nakabinbin na panukala gaya ng Department of Migrant Workers and Overseas Filipinos, Modernization ng Bureau of Fire Protection at iba pa.

More in National News

Latest News

To Top