Connect with us

Lebel ng mentalidad ni Sen. Pacquiao, pang elementarya – Pastor ACQ

"Hindi ganyan si Jesus Christ at pinipilit nila akong sinisira, hinihila pababa"

National News

Lebel ng mentalidad ni Sen. Pacquiao, pang elementarya – Pastor ACQ

“Hindi ganyan si Jesus Christ at pinipilit nila akong sinisira, hinihila pababa”

Matatandaan na ito ang mga sagot ni Sen. Manny Pacquiao ng hamunin ito ni Pastor Apollo C. Quiboloy ng The Kingdom of Jesus Christ na patotohanan ang sinasabi niyang nag-aral ito ng 11 taon sa Notre Dame University.

Tinanong din ng butihing Pastor ang senador kung ano na ang nangyari sa ₱3.5 B Sports Complex Project nito sa Saranggani.

Pero kasunod ng mga naturang sagot ng senador kay Pastor Apollo, ay ito ang naging konklusyon ng butihing Pastor.

“Ang konklusyon ko, itong si Manny Pacquiao hindi sa pagdedgrade sa kaniya ang mental capacity niya to answer issue is only elementary, sorry to say.”

“Si Manny Pacquaio hindi capable sa mga  issues sa mga binibigkas ng bibig niya na kapag sinuri mo wala siyang maisasagot, so ang konklusyon ko he is not mentally capable  to answer ng ganun kalalim.”

Paliwanag ni Pastor Apollo, idinadaan na lamang ni Pacquiao sa paawa epek at pa victim effect ang mga sagot lalo pa’t hindi naman nito kayang intindihin ang mga issues na ibinabato sa kaniya na siya rin naman aniya ang nagsimula.

Matatandaan na sinabi ni Pacquaio na hindi ito tiwali at hindi sinungaling matapos sabihin na lumala ang korupsiyon sa panahon ng Duterte Admin.

Ang pahayag na ito ng senador ay sinubok naman ni Pastor Apollo, pero lumalabas na hindi ito totoo.

” ‘Yung sinabi niyang hindi ako tiwali, hindi ako at hindi ako sinungaling, eh sinundan namin ‘yun atsaka, ‘yong battle cry niyang korupsiyon. So isa doon ay ‘yung kaniyang pag-aaral na 11 years, lumitaw na hindi totoo pagkatapos ‘yung sa Saranggani, ‘yung 3.5 project wala din siyang sagot doon at iba pang issues. Tinalakay din natin ‘yon pero ang sagot niya is ganyan ba ang mangangaral ni Jesus Christ, hindi naman ganun si Jesus Christ.”

Kasunod nito ay binira din ni Pastor Apollo ang pag-uutos ni Pacquiao sa pamahalaan na unahin ang problema ng Delta variant at kagutuman sa bansa kesa sa pamumulitika.

” Bakit inuna mo ang boxing mo? bakit ka umalis at inuna mo pa ang pagboxing mo? Eh, tungkol doon naman doon sa Delta variant, eh bakit ka umalis? kesa sa sinasabi mo ikaw rin ang tinatamaan sa mga sinasabi mo.”

Dahil dito, para kay Pastor Apollo walang kapasidad ang senador na maging Pangulo ng bansa.

“Ngayon ibig mong tumakbo bilang presidente,…. Papano ka magiging presidente. Sinasabi ko ito para malaman mo na wala kang capacity to run for higher position, naging senador ka lang by chance, popular ka  sa Pilipinas kaya pinagbigyan ka pero pagiging presidente no way,” saad ni Pastor Apollo.

 

 

More in National News

Latest News

To Top