Makatatanggap ng libreng  internet load at learners package ang mahigit 85,000 na public school students sa Makati City.

Learners package ipapamahagi sa 85,000 estudyante sa Makati City

Metro News

Makatatanggap ng libreng  internet load at learners package ang mahigit 85,000 na public school students sa Makati City.

Ayon kay Makati City Mayor Abby Binay, mapagkakalooban ng naturang benepisyo ang bawat isang estudyante sa pampublikong paaralan ng kanilang lungsod mula preschool hanggang senior highschool.

Makatatanggap ng libreng internet load na magagamit limang oras kada araw ang bawat estudyante para sa kanilang mga online classes.

Habang ang bawat learners package naman ay naglalaman ng isang on-the-go flash drive na naglalaman ng digitalized learning modules, printed modules at dalawang washable face mask na nakalagay sa pouch.

Bukod sa mga estudyante ay makatatanggap din ng libreng internet load ang mga guro para sa pagsasagawa ng mga ito ng online activities at sessions.

Ang mga magulang naman ay bibigyan ng journal na naglalaman ng mga alituntunin kung papano nila magagabayan ang kanilang mga anak sa pag-aaral.

Matataggap pa rin ng bawat magaaral ang kinagisnang libreng uniform, leather shoes, rubber schoes at school supplies.

Ani Binay, ang naturang hakbang ay upang matiyak na lubos na makikinabang at matututo ang mga mag-aaral sa isasagawang blended learning approach ng Department of Education (DepEd).

Kasabay nito ay nanawagan ang alkalde sa mga magulang na suportahan ang mga bagong proyekto dahil napakahalaga ang kanilang papel upang maging epektibong ang pagpapatupad ng makabagong paraan ng pagtuturo.