Connect with us

Law expert, ipinaliwanag kung bakit bias ang International Criminal Court

Law expert, ipinaliwanag kung bakit bias ang International Criminal Court

National News

Law expert, ipinaliwanag kung bakit bias ang International Criminal Court

Pansamantalang itinigil ng International Criminal Court (ICC) ang imbestigasyon sa anti-drug war campaign ni Pangulong Rodrigo Duterte.

Pinagbigyan ng ICC ang kahilingan ng gobyerno ng Pilipinas na huwag munang ituloy ang pagdinig sa kasong crimes against humanity laban kay Duterte.

Pero ayon sa isang international lawyer, maling-mali ang ICC nang paimbestigahan nila ang drug war dahil layon lamang nito na siraan ang Duterte Administration.

Diin din ni Atty. Valera na chairman rin ng U.S. Pinoys for Real Change, walang karapatang manghimasok ang ICC sa drug war dahil ito ay domestic issue.

Hindi rin maaaring pumasok ang ICC sa usapin dahil fully functional ang justice system ng bansa.

Hindi na rin nakapagtataka na ang mga malalaking bansa gaya ng US, RUSSIA at CHINA ay hindi sakop ng ICC.

Samantala, ipinaliwanag rin ni Valera para doon sa mga hindi sanay sa pagmumura ni Pangulong Duterte ang pagnanais ng  Pangulo na masawata ang kalakaran ng Iligal na droga.

Malinaw rin na walang state sanctioned killings sa bansa sa ilalim ng kampanya kontra iligal na droga dahil lahat ng administrasyon ay ginagawa ito.

More in National News

Latest News

To Top