Connect with us

Lalaking umatake sa isang Pinay sa New York, naaresto – NYPD

Naaresto na ang lalaking umatake at sumipa sa ulo ng isang Pilipina sa Amerika.

National News

Lalaking umatake sa isang Pinay sa New York, naaresto – NYPD

Naaresto na ang lalaking umatake at sumipa sa ulo ng isang Pilipina sa Amerika.

Batay sa Twitter post ng NYPD Hate Crime Task Force, ” The individual wanted for Monday’s assault of a 65 year-old Asian female, at 360 West 43rd St, was arrested and charged with Felony Assault as a Hate Crime.”

Kinilala naman ang suspek na si Brandon Elliot, 38-anyos habang ang biktima ay si Vilma Kari.

Ayon pa kay NYPD Commissioner Dermot Shea, si Elliot ay naaresto noong taong 2000 dahil sa kasong robbery at pagpaslang sa sariling ina noong 2002 at nakalaya noong 2019 sa bisa ng parole.

Pinasalamatan naman ng Philippine Consulate General sa New York ang mabilis na aksiyon ng mga awtoridad para maaresto ang suspek.

Habang pinag-iingat din ang mga Pinoy sa Amerika sa gitna ng hate crimes laban sa mga Asyano.

Maaalala na mabilis kumalat ang kuha sa naturang pangyayari sa social media kung saan makikita na biglang umatake ang suspek at walang awang sinipa sa sikmura at ulo ang biktima at nagbitaw ng ‘anti-Asian” statements na “You don’t belong here”.

Makikita rin sa video na nakatingin lamang sa pangyayari ang mga taong malapit sa pinangyarihan ng insidente at pagsara ng pinto ng security guard ng isang gusali  sa halip na tulungan ang biktima.

Sa ngayon, sinuspinde ang mga empleyado sa nasabing gusali na hindi tumulong at isasailalim din sa imbestigasyon.

Kaugnay nito, sinabi ni Foreign Affairs Secretary Teddy “Boy” Locsin na posibleng maka-impluwensya sa foreign policy ng bansa ang pananakit sa isang Pilipina sa New York sa Amerika noong Lunes, ika-29 ng Marso.

Ayon kay Locsin, ang mga ganitong racial brutality o pananakit sa mga Pilipino ay sineseryoso ng pamahalaan.

Hindi naman nilinaw ng kalihim kung paano makaaapekto ito sa foreign policy ng bansa.

Samantala, nakapost naman  sa Twitter account ng NYPD ang ilan pang suspek na kasalukuyang pinaghahanap na may kaugnayan sa  Hate Crime.

 

More in National News

Latest News

To Top