Connect with us

LAKAS-CMD, itinangging placeholders ang kanilang presidential candidate para sa 2022

Pinabulaanan ni LAKAS-CMD secretary general Speaker Prospero Pichay Jr. na hindi 'placeholders' ang kanilang presidential at vice-presidential candidate

National News

LAKAS-CMD, itinangging placeholders ang kanilang presidential candidate para sa 2022

Pinabulaanan ni LAKAS-CMD secretary general At House Deputy Speaker Prospero Pichay Jr. na hindi ‘placeholders’ ang kanilang presidential at vice-presidential candidate para sa 2022 national elections.

Paliwanag ni Pichay, may posibilidad ang kanilang partido na makipagkasundo sa ibang presidential candidate at maikokonsidera ang mga ito lalo na kung mataas ang kanilang ratings.

Nilinaw ng mambabatas na posibleng na-miss interpret lang ng media ang kanyang pag-oo dahil ang tanong naman aniya ay kung papayag ba siya na tumakbo sa ilalim ng kanilang partidong LAKAS-CMD si Davao City Mayor Sara Duterte.

Kaugnay naman sa kandidato ng LAKAS sa pagka-presidente na si Anna Capella Velasco at sa pagka-bise presidente na si Lyle Fernando Uy, binigyang-diin ni Pichay na hindi sila ‘placeholders’ o temporaryong kandidato lamang.

Hindi rin aniya maituturing na nuisance candidates sina Velasco at Uy dahil kaya ng kanilang partido na magsagawa ng nationwide campaign.

Giit ni Pichay, ang LAKAS-CMD ay mayroong 30 kaalyadong mambabatas, maraming gobernador at mga mayor na kayang ikampanya ang kanilang mga national candidate.

Nilinaw rin ng mambabatas na walang kinalaman si dating Pangulong Gloria Macapagal Arroyo sa kasalukuyang hakbang at desisyon ng partido LAKAS.

Samantala, pabor naman si Pichay na baguhin ng Commission on Elections (COMELEC) ang rule nito hinggil sa substitution o pagpapalit ng kandidato pagkatapos ng paghahain ng Certificate of Candidacy(COC).

Gayunman, aminado si pichay na mistulang naglalaro ngayon ng poker games o chess ang mga partido dahil sa substitution rule.

 

More in National News

Latest News

To Top