Connect with us

Lacson-Sotto Tandem, tuloy na sa 2022 Elections

Kinumpirma ni Senate President Vicente “Tito” Sotto III na tuloy na sa 2022 ang Lacson-Sotto Tandem.

National News

Lacson-Sotto Tandem, tuloy na sa 2022 Elections

Kinumpirma ni Senate President Vicente “Tito” Sotto III na tuloy na sa 2022 ang Lacson-Sotto Tandem.

Si Sen. Panfilo Lacson ay kumpirmadong tatakbo sa Pagkapangulo habang si Sotto ay sa pagkabise presidente naman.

Ito ang mismong kinumpirma ni Sotto sa kaniyang ipinadalang mensahe sa SMNI News.

Aniya, ang opisyal na announcement ng kanilang pagtakbo ay gagawin nila sa ika-4 ng Agosto.

” Yes. We will officially announce on Aug 4,” pahayag ni Sen. Sotto.

Matatandaan na sinabi ni Sen. Lacson na sakaling makakapagdesisyon na itong tumakbo sa pagkapangulo ay si Sotto ang unang makakaalam nito.

Kamakailan ay sinimulan na ng dalawa ang kanilang tour sa Luzon para sa konsultasyon at para malaman ang pulso ng bayan hinggil sa kanilang posibleng pagtakbo.

More in National News

Latest News

To Top