Connect with us

Lacson-Sotto Tandem para sa 2022, pormal ng ipinakilala sa publiko

Pormal ng ipinakilala sa publiko ang tambalang  Lacson at Sotto  para sa darating na halalan 2022.

National News

Lacson-Sotto Tandem para sa 2022, pormal ng ipinakilala sa publiko

Pormal ng ipinakilala sa publiko ang tambalang  Lacson at Sotto  para sa darating na halalan 2022.

Si Senator Ping Lacson ay tatakbong presidente at  si Senate President Tito Sotto III naman ang tatakbo sa vice president post.

Ang dalawa ang kauna-unahang pormal na magpapakilala ng kanilang election bid sa voting public.

Naniniwala ang Lacson-Sotto tandem na sasapat ang kanilang Katapangan, Katapatan, at Katapangan para pamunuan ang bansa.

Ayon kay  Lacson, “Mayroon kaming sapat na Kakayahan, Katapatan, at Katapangan upang pamunuan ang ating bansa at upang muling bumangon sa ating pagkakalugmok.”

Sinabi naman ni Sotto, na kapag sila ang nangako ay hindi raw ito mapapako.

Si Sotto ay isang artista at public servant sa loob ng 30 taon.

Una itong naging bise alkalde noong  1988-1992 at naging Chairman ng Dangerous Drug Board (DDB) bago ito naging senador.

Sakaling mananalong vice president ay sinabi ni Sotto na popokusan nito ang giyera sa illegal na droga.

Si Lacson na dating PNP Chief ay nangako na una sa kaniyang magiging paryoridad ay ang pagtugon sa pandemya, “Kailangan natin ng lider na ang tama ay ipaglalaban at ang mali ay lalabanan. Kaya naman magiging una sa ating prayoridad ang mas maigting na pagtugon sa pandemya. Marapat lamang na punan ang mga kakulangan at ituwid ang mga kamalian.”

More in National News

Latest News

To Top