Connect with us

Lacson-Sotto tandem, balak mag-endorso ng 14 na senatorial aspirants sa 2022

Nasa 14 na mga senatorial aspirants ang balak i-adopt ng Lacson-Sotto tandem para mapabilang sa kanilang slate sa 2022 elections

National News

Lacson-Sotto tandem, balak mag-endorso ng 14 na senatorial aspirants sa 2022

Nasa 14 na mga senatorial aspirants ang balak i-adopt ng Lacson-Sotto tandem para mapabilang sa kanilang slate sa 2022 elections

Ito ay sina;

– Sorsogon Gov. Francis ‘Chiz’ Escudero

– Antique Rep. Loren Legarda

– Sen. Juan Miguel ‘Migz’ Zubiri

– Sen. Sherwin Gatchalian

– Sen. Joel Villanueva

– Former Sen. JV Ejercito

– Former Makati Rep. Monsour del Rosario

– Dr. Minguita Padilla

– Former Sec. Manny Piñol

– DICT Sec. Gringo Honasan

– Media Practitioner Paolo Capino

-Former Vice President Jejomar Binay

-Former QC Mayor Herbert Bautista

– Sen. Richard Gordon

Kung matatandaan sinabi noon ni Gatchalian na may balak itong tumakbo sa pagkabise presidente habang si Gordon ay nagpahaging na tatakbo sa pagkapangulo.

Wala naman aniyang nakikitang masama si Lacson kahit pa lumagpas sa 12 senatorial aspirants ang kanilang ieendorso sa 2022.

Naniniwala aniya kasi sila na ang mga ito ang kwalipikado para mahalal at mailagay sa Senado.

Tiniyak naman ni Lacson ang suporta ni Sen. Sherwin Gatchalian sa Lacson-Sotto Tandem.

Matatandaan na si Gatchalian ay naghangad na makadikit noon sa administrasyon ng magpalista ito kay Mayor Inday Sara Duterte para maging bise presidente sakaling tatakbo ito sa 2022 bilang pangulo.

Pero si Mayor Inday, sa halip na tumakbo sa pagkapangulo ay naghain ng kandidatura para maging reelectionist sa darating na halalan.

Ang naturang listahan ay hindi pa pinal na senatorial slate ng Lacson-Sotto tandem.

More in National News

Latest News

To Top