Connect with us

Lacson, nainsulto sa umano’y pakikipagnegosasyon ni VP Leni kay Sotto

Sinusubukan ng kampo ni Vice President Leni Robredo na bumuo ng panibagong tandem para sa 2022.

National News

Lacson, nainsulto sa umano’y pakikipagnegosasyon ni VP Leni kay Sotto

Sinusubukan ng kampo ni Vice President Leni Robredo na bumuo ng panibagong tandem para sa 2022.

Ayon kay Sen. Panfilo Lacson, plano umano ng naturang kampo ng bise presidente na maging runningmate nito si Senate President Tito Sotto III.

Nakakainsulto umano ito sa panig ni Lacson dahil una na silang nagdeklara ni Sotto na magka-tandem sa 2022 elections.

Mistula aniya itong pagpapahiwatig na mag-withdraw na sya sa kanyang kandidatura.

Giit naman ni Lacson, na siya lang ang may karapatan na magdesisyon kung aatras o itutuloy ang pagktabo sa pagkapangulo sa 2022.

Binigyang-diin ni Lacson na marami nang high-profile at low-key businessmen na tumutulong at sumusuporta sa kanilang tandem ni Sotto.

More in National News

Latest News

To Top