Connect with us

Labor Party Philippines, binawi ang suporta kay Sen. Pacquiao

Binawi na ng grupo ng mga magsasaka ang kanilang suporta kay Senator Manny Pacquiao.

National News

Labor Party Philippines, binawi ang suporta kay Sen. Pacquiao

Binawi na ng Labor Party Philippines (LPP) ang kanilang suporta kay Senator Manny Pacquiao.

Ito ang inihayag ng LPP na kilala rin bilang Workers and Peasants Party, ang ika-limang pinakamalaking political party na akreditado sa Commission On Elections (COMELEC).

Ayon sa partido, ikinalulungkot at pinanghihinayangan nila na hindi na nila ipagpapatuloy pa ang pagsuporta kay Pacquiao sa pagkapangulo sa darating na eleksyon.

Ito’y kasunod ng imbitasyon ng grupo kay Pacquiao na maging pangulo ng kanilang partido.

Ngunit ayon sa LPP, noong Setyembre 6 sa isang panayam ay nanindigan pa rin ni Pacquiao na mananatili sa PDP-Laban bilang presidente ng partido at tiniyak na ito ang magiging presidential candidate ng ruling party.

Pinasalamatan naman ng pamunuan ng LPP ang senador at nirerespeto ang naging desisyon nito.

More in National News

Latest News

To Top