Connect with us

Laban sa pagitan nina Pacquiao at McGregor ngayong taon, pinabulaanan ng UFC

Sports

Laban sa pagitan nina Pacquiao at McGregor ngayong taon, pinabulaanan ng UFC

Pinabulaanan na mismo ni Ultimate Fighting Championship (UFC) President Dana White ang mga balita umanong may aabangang laban sa pagitan nina Eight-Division Boxing Champion Manny Pacquiao at ng dating UFC featherweight and lightweight World Champion Conor McGregor.

Ayon kay Dana, retiro na si McGregor ngayong taon at wala aniya siyang naka-schedule na laban ngayong 2020.

Iginiit naman ni White na hindi niya sinasabing hindi na lalaban si McGregor sa taong 2021 ngunit aniya sa ngayon ay wala silang naka-planong laban sa kanya para sa susunod na taon.

Matatandaan na sumali si Pacquiao sa parehong management firm kung nasaan si McGregor sa unang bahagi nitong taon.

Mas tumindi ang spekulasyon ng mga tao sa posibleng laban sa pagitan ng dalawang sikat sports personality matapos na mag-tweet si McGregor sa kanyang official twitter ng isang tagalog na mensahe kung saan sinabi niya ang mga salitang, “tinatanggap ko.”

Nilinaw naman ni White na hindi siya naniniwalang permanente nang magreretiro si McGregor.

Continue Reading
You may also like...

More in Sports

To Top