Connect with us

Kwalipikasyon ng mga cold storage ng mga COVID-19 vaccines sa bansa, pinatitiyak

Pinatitiyak ni Senator Christopher "Bong" Go, chairman ng senate committee on health, ang kwalipikasyon ng mga cold storage  na paglalagyan ng mga COVID-19 vaccines na inaasahang darating sa bansa ngayong buwan.

National News

Kwalipikasyon ng mga cold storage ng mga COVID-19 vaccines sa bansa, pinatitiyak

Pinatitiyak ni Senator Christopher “Bong” Go, chairman ng senate committee on health, ang kwalipikasyon ng mga cold storage  na paglalagyan ng mga COVID-19 vaccines na inaasahang darating sa bansa ngayong buwan.

Nauna nang tiniyak ng mga eksperto, na mahalaga ang cold chain storage para matiyak na mananatiling epektibo ang mga bakuna hanggang maiturok sa mga tao.

Sa panayam ng SMNI news kay Go, sinabi nitong, malaking bagay na masiguro na mayroong sapat at kwalipikadong cold chain storage ang bansa para sa preserbasyon ng mga bakuna.

Matatandaang ilang araw mula ngayon ay inaasahan ang pagdating ng iba’t-ibang klase ng COVID-19 vaccines gaya ng ipinangako ng pamahalaan.

Kaugnay nito, muling ipinaalala ng mambabatas sa publiko ang panawagang magtiwala sa kapasidad ng mga eksperto ng pamahalaan habang patuloy nilang inaaral ang seguridad ng mga papasok na bakuna sa bansa bago ito iturok.

Ayon sa datos ng Inter-Agency Task Force (IATF) on Emerging Infectious Diseases, nasa limang cold storage na ang sumailalim sa inspeksiyon ng grupo mula sa 41 na nagsumite ng kanilang aplikasyon bilang vaccine hub sa buong bansa.

Samantala, muling kinatawan ng senador ang opisina ni Pangulong Rodrigo Duterte sa kaniyang pagbisita sa Philippine Navy at Philippine Army Golf Course para magbigay ng tulong sa mga empleyado sa lugar.

Katuwang ang iba’t ibang ahensiya ng pamahalaan, umabot sa 800 benepisyaryo mula sa dalawang golf course ang nahatiran ng tulong ng senador.

More in National News

Latest News

To Top