Connect with us

Kumpirmadong kaso ng COVID-19 sa PCG, pumalo na sa 764

Umabot na sa 763 ang bilang ng mga kumpirmadong kaso ng COVID-19 sa hanay ng Philippine Coast Guard (PCG).

COVID-19 UPDATES

Kumpirmadong kaso ng COVID-19 sa PCG, pumalo na sa 764

Umabot na sa 763 ang bilang ng mga kumpirmadong kaso ng COVID-19 sa hanay ng Philippine Coast Guard (PCG).

Batay sa pinakahuling ulat ng PCG, sa nasabing bilang ay nasa 577 na ang mga nakarekober.

Habang nasa 186 naman ang active cases sa ahensya.

Ayon sa PCG,  kada ika-dalawang linggo ay isinasailalim sa swab test ang kanilang mga tauhan bilang precautionary measure sa gitna ng COVID-19 pandemic.

Nakatakda namang buksan ng PCG ang kanilang sariling quarantine facility na kayang mag-accomodate ng hanggang 224 frontline personnel sa Setyembre.

Ito ay para mas mapangasiwaan ng PCG medical service ang active COVID-19 cases sa organisasyon para sa kanilang mabilis na paggaling at rehabilition.

More in COVID-19 UPDATES

To Top