Connect with us

Kritiko ni Pacquaio, hinimok na tigilan ang political attacks upang makatutok sa kanyang laban

Hindi pwedeng i-asa ng isang pangulo ng bansa ang pamamahala sa gobyerno sa kanyang mga adviser.Ito ang tahasang sinabi ni Atty. Larry Gadon

National News

Kritiko ni Pacquaio, hinimok na tigilan ang political attacks upang makatutok sa kanyang laban

Hinimok ni House Deputy Speaker Cagayan De Oro Representative Rufus Rodriguez ang mga kritiko ni Senator Manny Pacquiao na tigilan na ang political attacks laban sa senador.

Ito ay upang makatutok si Pacquaio sa kanyang pag-eensayo para sa nakatakdang boxing fight sa susunod na buwan.

Nanawagan din si Rodriguez sa mga kritiko at maging sa publiko na mag-kaisa para sa kanyang tagumpay para sa karangalan ng bansa.

Matatandaang tinanggal si Pacquaio bilang acting president ng PDP-Laban kung saan pinalitan ito ni Energy Secretary Alfonso Cusi bilang party president.

Mababatid na magaganap ang laban ni Pacquaio laban kay Errol Spence Jr. sa ika- 21 ng Agosto  sa Las Vegas, Nevada.

Si Spence ay may (27-0, 21 KOs), 31, ng Desoto, Texas, ang nag-iisang unified welterweight champion, habang si Pacquiao ay may (62-7-2, 39 KOs), 42, ay nag-iisang eight-division world sa mundo.

More in National News

Latest News

To Top