Kris Aquino, patuloy na lumalaban sa kaniyang auto-immune disease

Showbiz

Kinumpirma ni Kris Aquino ang patuloy niyang paglaban sa kaniyang auto-immune disease.

Sa kaniyang instagram post, sinabi ni Kris na patuloy ang pananakit ng kaniyang kanang kamay at tatlong linggo na rin itong inuubo.

Sinabi ng aktres-host na nagpakuha na siya ng blood test.

Nagpapasalamat pa rin ito dahil gaya ng naging resulta noong Nobyembre ay parehas pa rin ito hanggang sa kasalakuyan.

Ayon pa kay Kris, kailangan din niyang labanan ang anemia at pagkontrol sa thyroid issues na may kaugnayan sa kaniyang pagbabawas ng timbang.

Nilinaw ng “Queen of Social Media” na kahit hindi man siya masigla ay hindi naman grabe ang kaniyang sakit.
Katunayan ay pinayagan na rin ito ng kaniyang doktor na bumalik na sa trabaho.

Leave a Reply

Your email address will not be published. Required fields are marked *