Connect with us

Kris Aquino, engaged na kay dating DILG secretary Mel Sarmiento

Engaged na ang queen of all media na Kris Aquino ngayong weekend kay dating Department of Interior and Local Government Sec. Mel Senen Sarmiento.

Showbiz

Kris Aquino, engaged na kay dating DILG secretary Mel Sarmiento

Engaged na ang Queen of All Media na Kris Aquino ngayong weekend kay dating Department of Interior and Local Government Sec. Mel Senen Sarmiento.

Sa kanyang social media account, ibinahagi ni Kris ang papasuking bagong chapter ng kanyang buhay kasama ang kanyang best friend na ang tinutukoy ay si Sarmiento.

Nagpasalamat din si Kris dito sa pagmamahal sa kanya at sa anak na si Bimby.

Nagpahayag naman ng excitement si Kris na maging Sarmiento.

Kabilang din sa pinasalamatan ni Kris ang namayapang kapatid na si dating Pangulong Noynoy Aquino na pinaniniwalaan niyang isang matchmaker in heaven na masaya sa nangyayari ngayon sa kanyang buhay.

Matatandaan na sa ilalim ng Administrasyon ni PNoy nagserbisyo bilang kalihim ng DILG si Sarmiento kung saan naging malapit ito sa pamilya Aquino lalo na kay Kris.

More in Showbiz

Latest News

To Top