Korte Suprema TRO NTC

Korte Suprema, hindi naglabas ng TRO sa pagpapahinto ng NTC sa broadcast ng ABS-CBN

National News

Walang temporary restraining order (TRO) na inilabas ang Korte Suprema ngayong araw kaugnay sa pagpapahinto sa kautusan ng National Telecommunications Commission (NTC) sa broadcast ng ABS-CBN.

Matatandaan na naghain ng urgent TRO plea ang ABS-CBN para pagpapahinto ng cease and desist order ng NTC sa broadcast ng Kapamilya network.

Binigyan ng 10 araw ng Korte Suprema ang Senado, Kongreso  at NTC para magbigay ng komento sa hiling ng ABS-CBN.

5 araw naman ang ibinigay ng Kataas-taasang Hukuman para magbigay ng tugon naman dito ang ABS-CBN.