Connect with us

Kontsruksyon ng LRT Line 1 Cavite Extension, sisimulan na sa susunod na lingo

LRT Line 1 Cavite Extension

Metro News

Kontsruksyon ng LRT Line 1 Cavite Extension, sisimulan na sa susunod na lingo

Isang linggo nalang ay magsisimula na ang actual construction ng LRT Line 1 Cavite Extension sa susunod na Miyerkules, ika-8 ng Mayo 2019.

Pagdurugtungin ng extension project ang Baclaran at Bacoor, Cavite, kaya oras na matapos ito ay magiging 30- minuto na lamang ang biyahe mula sa kasalukuyang isa’t kalahating oras.

Nakapaloob sa 11.7-kilometer railway extension project ang pagtatayo ng walong bagong istasyon.

Dahil diyan, mas maraming pasahero ang mapagsisilbihan ng LRT-1.

Target ng Department of Transportation (DOTr) at Light Rail Manila Corporation (LRMC) na matapos ang proyekto sa 4th Quarter ng 2021.

 

Ulat ni: MJ Mondejar

Continue Reading
You may also like...

More in Metro News

Latest News

To Top