Connect with us

Kontruksiyon ng Bulacan Airport, aprubado na sa ikalawang pagbasa sa Senado

Inaprubahan sa ikalawang pagdinig sa Senado ang 50-year franchise ng San Miguel na magpahihintulot sa kontruksiyon ng Bulacan Airport.

National News

Kontruksiyon ng Bulacan Airport, aprubado na sa ikalawang pagbasa sa Senado

Inaprubahan sa ikalawang pagdinig sa Senado ang 50-year franchise ng San Miguel na magpahihintulot sa kontruksiyon ng Bulacan Airport.

Ang nasabing panukala ay magpahihintulot sa San Miguel na magtayo at mag-operate ng domestic at international airport.

Kapag maisabatas na ang nasabing franchise bill, sisimulan ang konstruksiyon ng paliparan sa loob ng taong ito at inaasahang makumpleto sa 12 taon.

Matapos ang 50-year franchise ang nasabing paliparan ay ililipat sa pagmamay-ari ng gobyerno.

Kabilang sa franchise bill ang exemption ng San Miguel Aerocity Inc. mula sa direct at indirect taxes at fees sa panahon ng construction period nito.

Pagkatapos ng construction period at sa nalalabing termino ng prangkisa, malilibre lamang ito mula sa income at property taxes hanggang sa mabawi ang investment nito bago maipasailalim sa lahat ng babayarang buwis.

Kasama sa ma-exempt na babayaran nito ay ang income taxes, VAT, customs duties, business taxes, franchise taxes,  gayundin ang iba pang charges sa pag-tatayo at operation ng paliparan.

Sa ilalim ng  profit-sharing agreement na inaprubahang  franchise bill, ang sobra sa 12% ng Internal Rate of Return (IRR) na nalikom na income ng airport city ay ibibigay sa gobyerno.

Samantala, aabot  naman sa kabuuang  P735.6 billion  ang halaga ng construction at operation ng gagawing  international airport.

Continue Reading
You may also like...

More in National News

Latest News

To Top