anti-terror bill

Kontrobersyal na anti-terror Bill, pinababalik sa committee level sa Kamara

National News

Nanawagan si Agusan del Norte Rep. Lawrence Fortun sa liderato ng Kamara na bawiin at ibalik sa committee level ang kontrobersyal na anti- terror bill dahil sa depektibong mga probisyon nito.

Ayon kay Fortun, maraming mambabatas na pabor sa panukala ang nag-widraw bilang mga co-authors ng anti- terror bill at pinababawi din ang yes votes nila sa plenaryo.

Punto ni Fortun, patuloy umano na humihina ang suporta ng panukala sa kamara at nadaragdagan ang mga mambabatas na tumututol dito kasama ng 36 na iba pang kongresista na naunang bumoto ng “No” sa plenaryo.

“There has been a continuous erosion of support for the Anti-Terrorism Bill in the House of Representatives. While only 36 of us voted No, the abstentions are significant and several other members have withdrawn as co-authors and more are asking that their yes votes be withdrawn,” giit ni Fortun.

Mungkahi ni Fortun na ibalik sa committee level ang panukala upang ma-amyendahan o hindi naman ay mapalitan ng bagong bersyon kasabay ng paghimok sa Department of Justice at sa Integrated Bar of the Philippines na magsumite ng bagong draft.

“We all want to fight and end terrorism. We want valid national security concerns effectively addressed. But we cannot allow the enactment of a law that not only countenances, but legitimizes, acts that are clearly violative of the Constitution, and may be weaponized against fundamental rights and freedoms,” ani Fortun.

Matatandaan na in-adopt nang buo ng Kamara ang bersyon ng senado sa anti-terror bill na nauna nang sinertipakahang urgent ni Pangulong Duterte.