Konsehal sa Bayawan City, Negros Oriental, patay nang pagbabarilin

Regional

Patay nang pagbabarilin ng riding-in-tandem ang isang konsehal sa Bayawan City, Negros Oriental.

Kinilala ng Bayawan Police ang biktima na si Alex Tizon, 66 anyos at resident eng Brgy. Villareal sa lungsod.

Bayawan City Councilor Alex Tizon, patay matapos tambangan.

Ayon sa imbestigasyon, minamaneho ni Tizon ang kanyang sasakyan na may plaka na FHM 231 mula Bayawan City papuntang Barangay Villareal nang pagbabarilin ng mga hindi pa nakilalang salarin na sakay sa isang motorsiklo kaninang alas 10:40 kaninang umaga.

Minamaneho ni Tizon ang kanyang sasakyan nang pagbabarilin ng mga hindi pa nakilalang salarin na sakay sa isang motorsiklo. Photo courtesy: Bayawan City Police

Nakuha sa crime scene ang 4 na basyo ng 9mm na baril.

Nagsasagawa na ng hot pursuit operation ang mga otoridad sa insidente.