Connect with us

Kongresista na pinangalanan ni Pang. Duterte na sangkot sa korupsiyon, dumipensa

Dumipensa ang mga kongresista na pinangalanan ni Pangulong Rodrigo Duterte na umano'y sangkot sa korupsiyon sa Department of Public Works and Highways (DPWH).

National News

Kongresista na pinangalanan ni Pang. Duterte na sangkot sa korupsiyon, dumipensa

Dumipensa ang mga kongresista na pinangalanan ni Pangulong Rodrigo Duterte na umano’y sangkot sa korupsiyon sa Department of Public Works and Highways (DPWH).

Ayon kay Occidental Mindoro Rep. Josephine Ramirez Sato, labis siyang nasaktan sa mga alegasyon ng pangulo dahil wala raw itong kinalaman sa anomang uri ng korupsiyon.

“I am devastated! This has no basis and grossly unfair! I do not have any involvement in any corruption!,” ani Sato.

Ayon pa kay Sato, walang basehan ang listahan na ibinigay ng Presidential Anti-Corruption Commission(PACC) sa pangunguna ni Commissioner Greco Belgica.

“Apparently, the only basis is a report compiled by the Presidential Anti-Corruption Commission headed by Commissioner Greco Belgica. Even the president himself said that “walang ebidensya ito.”

Giit ni Sato, pulitika ang dahilan nang pagkakadawit sa kaniya ni Belgica.

Si Belgica ay kilalang partymate umano ng isang malaking pulitiko sa Occidental Mindoro na kakalabanin si Sato sa darating na eleksyon.

Malinaw aniya na may kinalaman sa local politics sa Mindoro ang pagkakasali niya sa listahan.

“This politician intends to run against me in the upcoming 2022 local elections. The report made by commissioner belgica which impinges on my credentials as a public servant is clearly calculated to sow intrigues and disruption in the local politics of occidental Mindoro.”

Quezon City 5th District Rep. Alfred Vargas, tiwalang malilinis ang kanyang pangalan sa isyu ng korupsiyon sa DPWH

Tiwala naman si Quezon City 5th District Rep. Alfred Vargas na malilinaw ang kaniyang pangalan sa mga isyu ng korupsiyon.

Aniya, malinaw ang sinabi ng pangulo na walang matibay na ebidensya laban sa mga kongresist na pinangalanan.

“The president himself stated “there is no solid evidence” and “mentioning of names is not an indictment”.  I am certain that I will be cleared,” ani Vargas.

Handa din aniyang magpa-imbestiga si Vargas dahil mali ang impormasyong hawak ng PACC.

“Mukha pong napadalhan ang PACC ng maling inpormasyon ng mga nakakalaban natin sa Pulitika.”

Samantala, iginiit rin ni Quezon Province 4th District Rep. Helen Tan, walang katotohanan ang report ng PACC.

Sinabi ni Tan, “The inclusion of my name in the report released by the PACC, despite the lack of evidence, is not only malicious but also prejudicial, especially that the issue involves alleged corruption and conspiracy with DPWH.”

Ganito din ang pahayag ni Misamis Occidental Rep. Henry Oaminal at susuportahan nito ang anomang gagawing imbestigasyon.

“It saddens me that my name was included in the report, but I welcome and support the conduct of any investigation on the matter to clear my name, as I fully support the President’s anti-graft campaign.”

Batay sa listahan mula sa PACC, kabilang sa mga mambabatas na nakalista sina Occidental Mindoro Rep. Josephine Ramirez Sato, Quezon City Rep. Alfred Vargas, Misamis Occidental Rep. Henry Oaminal, Isabela Rep. Alyssa Sheena Tan, Northern Samar Rep. Paul Daza, Quezon Rep. Angelina “Helen” Tan, Act-CIS Party-List Rep. Eric Yap, Bataan Rep. Geraldine Roman, at dating Ifugao Rep. Teddy Baguilat, Jr.

Ayon sa pangulo, ang nabanggit na mga mambabatas ay nakatanggap umano ng mga kickback mula sa mga proyekto at mga ipinatutupad na ghost projects, at iba pa.

Gayunman, nilinaw ni Pangulong Duterte na walang matibay na ebidensya laban sa mga mambabatas na nasa listahan.

Samantala, epektibo ngayong araw, tinanggal na sa pwesto ni Pangulong Duterte ang ilang district engineers ng Department of Public Works and Highways dahil sa pagkasasangkot sa katiwalian.

Hiniling din ng pangulo kay DPWH Secretary Mark Villar na magpatutupad ito ng reshuffling sa mga district engineer sa buong bansa.

 

 

More in National News

Latest News

To Top