Diamond Princess Cruise Ship

Kondisyon ng Pinoy seafarer na nagpositibo sa n-CoV sa Japan, bumubuti na

National News

Bumubuti na ang kondisyon ng Pinoy seafearer na nagpositibo sa 2019 Novel Coronavirus (2019-nCoV) sa Japan.

Ito ay matapos maging positibo ang tugon ng Pinoy sa isinawang gamutan.

Ayon sa embahada ng Pilipinas sa Tokyo, naibaba na ng barko ang Pinoy at inilipat na sa ospital.

Tiniyak din nito na araw-araw nilang minomonitor ang kalagayan ng Pinoy.

Magugunitang ang naturang Pinoy ay kabilang sa unang 10 katao na sakay ng Diamond Princess cruise ship na tinamaan ng 2019 n-CoV.