Nasawi sa isang helicopter crash sa California si NBA Legend Kobe Bryant, 41, Linggo ng umaga (Pacific Time).

NBA Legend Kobe Bryant at anak, patay sa helicopter crash

Breaking News Sports

Nasawi sa isang helicopter crash sa California si NBA Legend Kobe Bryant, 41, Linggo ng umaga (Pacific Time).

Sinasabing kabilang din sa namatay ang anak ni Bryant na si Gianna Maria, 13.

Maliban sa mag-amang Bryant may 7 rin na kasama nila ang hindi nakaligtas sa pagbagsak ng sinasakyan nilang Sikorsky S-76 helicopter sa Calabasas, California.

Papunta umano sina Kobe at mga kasama nito sa basketball practice sa Mamba Academy nang mangyari ang aksidente.

Patuloy namang iniimbestigahan ng Federal Aviation Administration and National Tranportation Safety Board ang dahilan ng pangyayari.

Abril 2016 nang magretiro si Bryant sa NBA.

Taong 1996 na na-draft sa NBA si Kobe sa edad na 18 anyos kung saan nahirang siya na pinakabatang naglaro sa NBA sa kasaysayan sa naturang panahon.

Naglaro si Bryant sa kanyang buong proffessional career sa LA Lakers kung saan nanalo siya ng 5 NBA championships.

Naging 2-time Olympic Gold medalist din si Bryant sa men’s basketball.

Leave a Reply

Your email address will not be published. Required fields are marked *