Connect with us

Kingdom of Bahrain, tatanggap na muli ng mga domestic workers

Kinumpirma ng Deparment of Labor and Employment (DOLE) na inalis na ng Labor Market Regulatory Authority ng Kingdom of Bahrain ang temporary suspension para sa recruitment ng mga Household Service Workers kaya maaari na silang tumanggap muli ng mga domestic workers.

National News

Sa isang pahayag ay sinabi ng Philippine Overseas Labor Office (POLO) sa Bahrain na mas hinahanap pa rin ng mga employer sa Bahrain ang serbisyo ng mga Filipino workers.

Kaugnay nito ay sinabi ng POLO na nagbabala na rin ang Labor Market Regulatory Authority ng Bahrain sa mga employer ng mga migrant domestic workers na iwasan ang pakikipagtransaksyon sa mga hindi lisensiyadong expatriate employees employment offices sa pagkuha ng mga domestic workers para masigurong hindi rin kakalat ang COVID-19 virus at para sa proteksyon na rin ng mga manggagawa.

Batay sa datos ng POLO sa Bahrain, mula January hanggang June 2020 ay bumaba ng 9-percent ang bilang ng mga domestic workers sa Bahrain na mula sa 18,663 noong 2019 ay umabot na lang ito sa ngayon sa 16, 576.

Continue Reading
You may also like...

More in National News

To Top