Connect with us

Key Manila sewerage system, isasailalim sa rehabilitasyon

Isasailalim ng Maynilad Water Services Inc. sa rehabilitasyon ang Central Manila Sewerage System (CMSS) na nagkakahalaga ng ₱969 milyon.

Metro News

Key Manila sewerage system, isasailalim sa rehabilitasyon

Isasailalim ng Maynilad Water Services Inc. sa rehabilitasyon ang Central Manila Sewerage System (CMSS) na nagkakahalaga ng ₱969 milyon.

Sinabi ng concessionaire ng Metropolitan Waterworks and Severage System(MWSS) na west zone na kasali sa rehabilitation project na ito ang pag-upgrade sa 9,600 linear meters ng sewer na naka-paloob sa 30 barangays sa parte ng Sta.Cruz at Malate.

Layon ng proyektong ito na masigurong patuloy na maaasahan at makatatanggap ng mas malaking volume ng wastewater mula sa nadadagdagang bilang ng bahay at establishments sa lugar.

Ang proyektong ito ay parte din ng long-term wastewater management program ng Maynilad na naglalayong protektahan ang kalusugan ng komunidad at kapaligiran sa pamamagitan ng proper treatment of effluents, kasunod na rin ng kautusan ng supreme court na linisin, i-rehabilitate at i-preserve ang Manila Bay.

Nakatakdang matapos ang proyektong ito sa Hunyo ng susunod na taon.

Dagdag pa ni Maynilad President and CEO Romancito S. Fernandez, sa ngayon ay nakapag-invest na sila na nasa higit ₱41 bilyon para sa improvement at expension ng wastewater infrastracture, kasama na dito ang ongoing construction ng bagong sewage treatment plants sa Valenzuela, Las Piñas at Cupang at Tunasan sa Muntinlupa.

More in Metro News

To Top