Connect with us

Kautusan ng Senate Blue Ribbon na i-detain sa senado ang iba pang opisyales ng pharmally, ilegal

Pinalagan ni Atty. Ferdinand Topacio ang naging kautusan ng Senate Blue Ribbon Committee na mai-detain ang 2 pang opisyales ng Pharmally Pharmaceutical Corporation na si Mohit at Twinkle Dargani.

National News

Matapos ilabas ang naging desisyon ng komite dahil umano sa kabiguan ng 2 na makapagsumite ng dokumento hinggil sa naging transaksyon ng pamahalaan sa pharmally pagdating sa pagbili ng mga COVID-19 medical supplies.

Pero ayon kay Topacio labag sa batas ang kautusan ng Senate Blue Ribbon.

Aniya, walang kapangyarihan na ikulong ang Senate Blue Ribbon kung hindi naman naging physically present sa senado ang mga resource person sa naging pagdinig.

Aniya, dahil sa ginagawa ng senado ay maaring sila ang masampahan ng reklamo ng mga resource person.

Saad pa ni Topacio, maging ang ginawang pagpapakulong ng Senate Blue Ribbon sa kaniyang kilyente na Linconn Ong ay ilegal.

Nilinaw naman ni Topacio na hindi siya abogado ng iba pang opisyales ng pharmally pero dahil aniya sa pang-aabuso na ginagawa ng Senate Blue Ribbon kaya ito nagsasalita laban sa mga senador.

Matatandaan na na-detain si Ong dahil umano sa pagiging evasive nito sa pagsagot sa mga katanungan ng mga senador.

More in National News

Latest News

To Top