Connect with us

Katayuan ni Pang. Duterte sa WPS, isang matalinong desisyon – Sec. Panelo

Inihayag ng chief presidential legal counsel na pinaninindigan ni Pangulong Rodrigo Duterte na hindi nito ikokompromiso ang soberenya ng Pilipinas.

National News

Katayuan ni Pang. Duterte sa WPS, isang matalinong desisyon – Sec. Panelo

Inihayag ng chief presidential legal counsel na pinaninindigan ni Pangulong Rodrigo Duterte na hindi nito ikokompromiso ang soberenya ng Pilipinas.

Ayon kay Chief Presidential Legal Counsel Salvador Panelo, ipaglalaban ng punong ehekutibo ang anuman at alinman ang nararapat sa bansa.

Dagdag pa ng opisyal ng Palasyo, ang foreign policy ng presidente ay nananatiling ‘kaibigan ng lahat ng bansa, at hindi kaaway ninuman’.

Subalit pagdating sa soberenya ng national territory ay ibang usapan na aniya ito.

Binigyang diin ni Panelo na matalino si Pangulong Duterte pagdating sa mga desisyon sa magiging katayuan ng bansa pagdating sa pinag-aagawang teritoryo sa West Philippine Sea.

Muling pinuri ng kalihim ang pagsulong ni Pangulong Duterte sa karapatan ng Philippine territory sa paraang hindi agresibo at lalong hindi sa pamamagitan ng paggamit ng dahas.

Sa kabilang dako, binanggit naman ni Panelo na bukod kina Presidential Spokesman Harry Roque at Foreign Affairs Secretary Teodoro Locsin, ay pinahihintulutan din siyang mag-isyu ng statement na may kinalaman sa WPS.

Mababatid na sa pinakahuling ulat sa bayan ni Pangulong Duterte, ipinag-utos nito sa kanyang gabinete na iwasan na magsalita sa publiko patungkol sa isyu sa WPS, maliban na lamang kina Roque at Locsin.

Nauna namang sinabi ni Presidential spokesperson Roque,”Reports of the NTF are forwarded to the DFA and they would determine if they will file diplomatic protest. So, these are matters, facts, which are relevant to diplomatic communications covered by executive privilege.”

Gayunpaman, nilinaw din ni Pangulong Duterte na ang naturang kautusan ay hindi nangangahulugan ng kahinaan ng bansa sa maritime claims sa West Philippine Sea.

More in National News

Latest News

To Top