Connect with us

Katapusan ng CPP-NPA-NDF sa Northern Mindanao at Caraga Region, tiniyak ng 4ID

Hindi na magtatagal at matitibag na rin ang kuta ng mga militante at rebeldeng grupo ng CPP-NPA-NDF sa malaking bahagi ng Northern  Mindanao at Caraga Region.

National News

Katapusan ng CPP-NPA-NDF sa Northern Mindanao at Caraga Region, tiniyak ng 4ID

Hindi na magtatagal at matitibag na rin ang kuta ng mga militante at rebeldeng grupo ng CPP-NPA-NDF sa malaking bahagi ng Northern  Mindanao at Caraga Region.

Ito ang tiniyak ng bagong pamunuan ng 4th Infantry Diamond Division sa pangunguna ng bagong lilderato ni Major General Romeo S. Brawner Jr.

Kasabay ng pakiusap nito sa mga natitira pang miyembro ng communist terrorist groups  na magsipagbalik-loob nalang sa lipunan para sa isang normal na pamumuhay .

Pero babala ng opisyal, kung magmamatigas pa rin ang mga rebelde at ituloy ang maling paniniwala sa pamahalaan, hindi sila mangingiming labanan ang mga ito.

Ani  Brawner,” the CTG is continuously disintegrating. We will relentlessly pursue them until they fully realize that the armed struggle that caused misery to our people is futile.”

Sa  ngayon patuloy ang kanilang pagpapalakas ng pwersa dahil sa tuluy-tuloy na bakbakan ng kanilang tropa laban sa mga armadong grupo.

“We shall sustain and strengthen our focused military operations while we stay committed and supportive to the task force ELCAC implementing peace and development projects. Once again, I urge the remaining CTG members, avail of the e-clip now or face the consequences, ” saad pa nito.

Sa katunayan, ani Brawner, mula noong Hunyo, umabot na sa 16 encounter ang pinasok ng kanilang grupo dahil sa pagmamatigas ng mga  miyembro ng CPP-NPA-NDF sa rehiyon.

Mula dito, marami na rin ang nasawi mula sa hanay ng mga armadong grupo.

Una nang naitala ang sunud-sunod na pagsuko ng mga NPA members ng Northern Mindanao at Caraga region.

More in National News

Latest News

To Top