Katapangan ng mga frontliners

Katapangan ng mga frontliners kontra COVID-19, pinasalamatan ng pangulo

National News

Pinasalamatan ni Pangulong Rodrigo Roa Duterte ang katapangan ng mga frontliners sa pakikipaglaban nila kontra Coronavirus Disease 2019 (COVID-19).

Binigyang pugay din ng pangulo maging ang mga nasawi sa hanay ng mga health workers at sa iba pang ahensya gaya ng Philippine National Police (PNP) na nagsilbi ring frontliner.

“In the mean time, let us express the nation’s gratitude, we share the grieves of the family”.

Ani pangulong Duterte, hindi matatapatan ng kahit gaano kadaming luha ang kabayanihan ng mga frontliner na isa sa mga tumutok sa laban kontra COVID-19.