Connect with us

Kasunduan sa pagitan ng PNRC at PhilHealth para sa COVID-19 mass testing, iligal

Kasunduan sa pagitan ng PNRC at PhilHealth para sa COVID-19 mass testing, iligal

National News

Kasunduan sa pagitan ng PNRC at PhilHealth para sa COVID-19 mass testing, iligal

Nanawagan si Surigao del Norte Rep. Robert “Ace” Barbers sa Philippine National Red Cross (PNRC) na itigil na nito ang pamba-blackmail sa pamahalaan dahil iligal ang pinasok nitong kasunduan sa PhilHealth.

Kasunod ito ng paghinto ng PNRC sa pagsasagawa nito ng RT-PCR COVID-19 test dahil sa nakabin-bing utang ng PhilHealth na aabot sa ₱1 bilyong.

Inihayag pa ni Barbers na ang  kasunduan sa pagitan ng Philhealth at ng PNRC ay nauwi ngayon sa labuan.

Bukod sa iligal dahil walang kontrata, dadaan pa raw sa masusing pagbusisi ang claims ng PNRC sa PhilHealth kaya hindi agad nailabas ang pondo kaya nagkautang ang pamahalaan.

Giit din nito na ipinagbabawal din ang advance payment sa PhilHealth.

Napag-alaman din na si resigned Philhealth Vice President for Legal Sector Atty. Rodolfo Del Rosario Jr. ay nag-isyu noong May 5, 2020 ng ₱100-million na advance payment sa PNRC sa bisa ng Bayanihan 1.

Subalit sa memorandum na inilabas ng Office of the Executive Secretary, giit ni Barbers na walang nakalagay na puwedeng magpalabas ng advance payment ang PhilHealth.

Ani Barbers,”However, in the Memorandum issued by the Executive Secretary, all partnerships entered into with PNRC are “SUBJECT TO REIMBURSEMENT” and not advance payment as done by Philhealth.”

“I seriously counsel the management of the Philippine National Red Cross to stop blackmailing the government. Please remember that every centavo in the coffers of the government comes from every Filipino taxpayer.”

Samantala, naniniwala naman si Barbers na hindi basta-basta malulugi ang PNRC dahil lamang sa hindi nabayarang COVID-19 testing.

More in National News

Latest News

To Top