Connect with us

Mga magsasaka sa bansa, mapagkalooban na ng libreng legal assistance

Nilagdaan ngayong araw ang isang memorandum of agreement sa pagitan ng Public Attorney’s Office (PAO) at Magsasaka Partylist para magbigay ng libreng legal assistance sa mga magsasaka sa buong bansa.

National News

Mga magsasaka sa bansa, mapagkalooban na ng libreng legal assistance

Nilagdaan ngayong araw ang isang Memorandum of Agreement (MOA) sa pagitan ng Public Attorney’s Office (PAO) at Magsasaka Partylist para magbigay ng libreng legal assistance sa mga magsasaka sa buong bansa.

Ayon kay Magsasaka Partylist Rep. Argel Cabatbat, magkakaroon na ng tulay ang mga magsasaka na may problema sa kaso dahil sa MOA na kanilang nilagdaan.

Partikular aniya dito ang mga magsasaka na may problema sa lupa tulad ng land reversion.

Ayon naman kay Deputy Chief Public Attorney, Atty. Silvestre Mosing, gagawan nila ng refferal system ang mga magsasakang magpapaabot ng reklamo at assistance request sa PAO.

More in National News

Latest News

To Top