Connect with us

Kasong possession of illegal drugs at hold departure order ni Julian Ongpin, pinababawi

PNP, maghahain ng motion for reconsideration sa kaso ni Julian Ongpin

National News

Kasong possession of illegal drugs at hold departure order ni Julian Ongpin, pinababawi

Umapela ang mga abogado ni Julian Ongpin sa Department of Justice (DOJ) na i-dismis na at bawiin ang kasong possession of illegal drugs laban sa kanilang kliyente.

DOJ charges Julian Ongpin with non-bailable drug possession

Sa kanilang petisyon, sinabi nina Atty. Dennis Manalo at Roberto Francisco Beltran na bigo ang mga awtoridad sa paghawak sa ebidensya laban kay Ongpin kasunod ng pagkamatay ng girlfriend nitong visual artist na si Bree Jonson.

Nangyari ang insidente sa Flotsam and Jetsam Hotel sa La Union noong Setyembre kung saan natagpuan ang katawan ng namatay na si Bree.

Ayon sa mga abogado ni Ongpin, nilabag ng mga pulis ang ‘chain of custody rule’ nang isinagawa ang pagproseso sa crime scene na nangangailangan ng presensya ng mga witness tulad ng mismong akusado o ng kanilang abogado; ng isang elected public official, ng isang kinatawan ng national prosecution service o kaya ng kahit isang kinatawan ng media.

Ipinuto ng kampo ni Ongpin na ang itim na pouch na pinaglagyan ng 12.6 gramong cocaine na natagpuan ng mga pulis sa pinangyarihan ng insidente ay pag-aari ni Jonson dahil kasama rin sa naturang lagayan ang iba pang mga gamot ng artist.

Matatandaan na parehong nagpositibo sa paggamit ng cocaine sina Ongpin at Jonson.

Bukod dito, hiniling din ng mga abogado ni Ongpin na alisin ang hold departure order (HDO) laban dito na inilabas noong October 8.

Samantala, nagsagawa naman ng ikalawang awtopsiya kay Jonson ang National Bureau of Investigation (NBI) para matukoy kung may foul play sa insidente.

More in National News

Latest News

To Top