Connect with us

Kasong administratibo laban kay Nuezca, pinamamadali na

Sinibak na sa serbisyo si Police Staff Sergeant Jonel Nuezca, ang pulis na namaril sa mag-ina sa Paniqui, Tarlac noong Disyembre.

National News

Kasong administratibo laban kay Nuezca, pinamamadali na

Pinamamadali  na ng Philippine National Police-Internal Affairs Service (PNP-IAS) ang kasong adminsitratibo laban kay Parañaque Police Senior Master Sergeant Joniel Nuezca.

Ang salarin sa pamamaril sa mag-inang Sonya at Anthony Gregorio sa Paniqui, Tarlac.

Tiniyak din ni PNP Chief Police General Debold Sinas na sa loob lamang ng 30 araw o isang buwan ay tatapusin na ang imbestigasyon laban kay Nuezca.

Ipapataw ang dismissal from post dahil sa karumal dumal na pagbaril kanyang kapitbahay.

Bukod sa dismissal titiyakin din ng PNP na wala itong makukuhang anumang benepisyo mula sa gobyerno dahil sa bigat ng kasalanan nito sa serbisyo.

At Isa sa tinukoy na malakas na ebidensiya ay ang video na kuha sa mismong pamamaril nito sa mga biktima.

Sa isinagawang press conference kahapon ng PNP, kinumpirma mismo ni Sinas na nagkaroon na ng 5 magkakaibang kaso si Nuezca gaya ng grave misconduct na kinabibilangan ng homicide pero pawang nadismiss lahat ang mga ito.

Samantala, matapos ang inaasahang administrative case laban kay Nuezca, mahaharap din sa criminal case ang salarin kung saan ang korte naman ang magdidesisyon dito kaugnay sa mga ipapataw na parusa.

Nagpasalamat naman ang pamilyang naiwan ng mga biktima kay Pangulong Rodrigo Duterte sa matapang na pagkondena nito sa pulis.

Bagamat may bahagyang pangamba pa rin sila sa seguridad dahil hindi pa rin anila kabisado ang galaw ng kampo ni Nuezca dahil sa mga paulit-ulit na na pagka-dismiss sa mga kaso nito at nakakabalik pa rin sa serbisyo.

Kaya naman pakiusap nila sa pamahalaan na nabigyan sila ng proteksiyon sa buong pamilya.

More in National News

Latest News

To Top