Connect with us

Kasong administratibo, isasampa sa mga matataas na PhilHealth officials

Aprubado na ni Pangulong Rodrigo Duterte ang pagsasampa ng kasong kriminal at administratibo laban sa mga opisyal na dawit sa korupsiyon sa state insurer na Philippine Health Insurance Corporation (PhilHealth).

National News

Kasong administratibo, isasampa sa mga matataas na PhilHealth officials

Inaprubahan na ni Pangulong Rodrigo Duterte ang pagsasampa ng kasong kriminal at administratibo laban sa mga opisyal na dawit sa korupsiyon sa state insurer na Philippine Health Insurance Corporation (PhilHealth).

Ito ang kinumpirma ni Presidential Spokesperson Harry Roque .

Sa kaniyang post sa facebook, binasa na ni Pangulong Duterte ang report na isinumite sa ng PhilHealth task force na nag-iimbestiga anomalyang kinasasangkutan ng state health insurance agency.

Batay sa resulta ng isinagawang imbestigasyon, lumabas na nilabag ng mga opisyal ng ahensiya ang anti-graft and corrupt practices act dahil sa kwestyunableng pagbili ng information technology equipment, kontrobersyal na interim reimbursement mechanism (IRM) at iba pa.

Inirekomenda naman ng task force na kasuhan si dating Philhealth President Ricardo Morales , senior vice president for information management sector Jovita Aragon at acting senior manager, information technology and management department Calixto Gabuya Jr.

Susundin naman ng PhilHealth officials ang anumang utos sa report na inaprubahan ni Pangulong Duterte kaugnay ng  katiwalian sa ahensya at inaantay na lang daw nila ang kopya nito.

Kagabi ng isinumite ng Department of Justice (DOJ) kay Pangulong Duterte ang report hinggil sa anomalyang kinasasangkutan ng state insurer.

Nakapaloob naman sa nasabing report ang naging evaluation ng ibinigay ng 14 na witnesses, mga summary ng iba’t-ibang kaso na sinilip kaugnay sa anomalya ng insurance company, mga dokumento na pinasa ng ilang resource persons at mga rekomendasyon ng mga kinauukulan gaya ng Senado.

Matatandaan na binuo ng pamahalaan ang Philhealth task force upang magsagawa ng malalimang imbestigasyon sa maanomalyang bilyon-bilyong pondo ng ahensiya.

More in National News

To Top