Connect with us

Kaso ng online child exploitation ngayong may pandemya, lumobo

Lumobo pa ang bilang ng kaso ng child pornography at online sexual exploitation sa halos 48,000 ngayong panahon ng pandemya.

National News

Kaso ng online child exploitation ngayong may pandemya, lumobo

Lumobo pa ang bilang ng kaso ng child pornography at online sexual exploitation sa halos 48,000 ngayong panahon ng pandemya.

Ito ang iniulat ni Cabinet Secretary Karlo Nograles sa ginanap na virtual presser kung saan mula sa bilang na 19,000 noong 2019, lumobo na ito sa 47, 937 sa taong 2020.

Ani Nograles, ang higit na pagdoble ng report kaugnay ng online sexual exploitation ay major concern ng national government.

Tumawag din ito ng pansin kay Pangulong Rodrigo Duterte.

Dahil sa nakababahalang paglobo ng kaso ng child pornography, in-adopt ng gobyerno ang rekomendasyon ng Department of Justice (DOJ) upang mapigilan ang ilegal na mga aktibidad na may kinalaman sa online sexual exploitation.

Kabilang sa mga rekomendasyon ng DOJ ay ang istriktong pagpapatupad ng Republic Act 9775 o ang Anti-Child Pornography Act of 2009.

Kaugnay ng nakasaad sa naturang batas, inatasan ng Malakanyang ang National telecommunications Commission (NTC) na magpatupad ng parusa sa Internet Service Providers (ISPs) na nagpapahintulot na magamit ang kanilang platforms para sa online child exploitation.

Nanawagan din si Pangulong Duterte sa kongreso na iprayoridad ang pagpasa ng mga panukalang batas na makapagpigil sa nakababahalang kaso ng child porn.

Kung maalala, nagpahayag din ng pagkabahala si Senator Sherwin Gatchalian sa nangyayaring talamak na bentahan ng mga hubad na larawan o nude photos ng mga estudyante sa social media.

 

More in National News

Latest News

To Top