Umabot na sa 61,266 ang kabuuang kumpirmadong kaso ng Coronavirus Disease 2019 (COVID-19) sa buong bansa batay sa datos ng DOH.

Kaso ng COVID-19 sa Taguig City, tumaas pa sa 1,516

COVID-19 UPDATES Metro News

Umabot na sa 1,516 ang kabuaang bilang ng Coronavirus Disease 2019 confirmed cases sa Taguig City.

Ito ay matapos nakapagtala ang lungsod ng 22 na bagong kaso ng COVID-19.

Ang mga bagong kaso ay mula sa Bagumbayan, Wawa, Fort Bonifacio, at Tanyag.

Bukod dito, meron ng 23 deaths at 610 recoveries sa lungsod.

Ayon sa Taguig City Government, sa 883 na mga active cases, 438 o 49.6  % sa mga kasong ito ay mula sa mga lugar na inilagay sa localized quarantine at nagsagawa ng agresibong  testing kung saan 111 sa 1,200 na mga na test  sa Purok  5 at 6 ng Brgy. Lower Bicutan at 327 sa higit kumulang 700 workers sa isang construction site sa Bonifacio Global City.

Samantala, ang iba pang recoveries ay patuloy na mino-monitor ang bilang at inaasahan na magkakaroon ng updates sa susunod na mga araw.

Sa huling tala simula January 27, nakapagsagawa na ang Taguig LGU  ng 18,503 PCR tests.

Ang binilang na isinagawang tests sa Taguig ay PCR tests lamang at  hindi na isinama ang mga isinagawang rapid tests ng lokal na pamahalaan dahil ang mga resulta ng rapid tests ay kinakailangan pa ng confirmatory tests.

Inilunsad sa Taguig ang smart testing o ang systematic mass approach to responsible testing kung saan nakapaloob dito ang barangay-based testing at ang drive-thru tresting upang mas mapalawak ang testing capacity ng lungsod.

Maaaring makapag sagot ng self-assessment form sa www.taguiginfo.com o tumawag sa COVID hotline at mga health centers.

Patuloy namang  umiikot ang Barangay Health Emergency Response Teams (BHERT) katuwang ang Taguig City containment team para ma-monitor at ma-contain ang mga COVID-19 cases sa lungsod.