6 barangay sa Mandaluyong City, apektado na rin ng COVID-19 pandemic

Kaso ng COVID-19 sa QC, halos 3k na

COVID-19 UPDATES

Umabot na sa kabuuang 2,965 ang nagpositibong kaso ng COVID-19 sa Quezon City batay sa datos ng Department of Health (DOH).

Ayon sa QC government, 2886 dito ay may kumpletong address sa lungsod.

Umabot naman sa 2,849 ang kumpirmado na ng QC Epidemiology and Disease Surveillance Unit.

Nasa 220 naman ang bilang ng mga nasawi, 1,658 ang nakarekober sa sakit at 971 ang active o recovering cases hanggang kaninang alas 8 ng umaga.

Habang mayroon din ang lungsod ng 1,773 na suspected cases na kasama sa contact traced.