Connect with us

Kaso ng COVID-19 sa Pilipinas, lagpas 334,000 na

Umabot na sa 334,770 ang kabuuang bilang ng kaso ng COVID-19 sa Pilipinas.

National News

Kaso ng COVID-19 sa Pilipinas, lagpas 334,000 na

Umabot na sa 334,770 ang kabuuang bilang ng kaso ng COVID-19 sa Pilipinas.

Ito ay matapos makapagtala ang Department of Health (DOH) ng 2,996 na karagdagang kaso sa bansa ngayong Biyernes,ika-9 ng Oktubre.

Ayon sa DOH, ang top five areas na may mataas na bagong kaso ay ang Metro Manila na may 1,094; Cavite na may 282; Batangas na may 166; Iloilo na may 152 at Laguna na may 147.

Sa nasabing bilang ng confirmed cases, nasa 53,311 ang nananatiling active cases.

Umabot naman sa 275,307 ang kabuuang bilang ng mga gumaling matapos itong madagdagan ng 1,045.

Habang nasa 6,152 na ang mga nasawi sa coronavirus matapos makapagtala ang DOH ng 83 new deaths.

More in National News

Latest News

To Top