Italy, naungusan ang China sa may pinakamaraming nasawi dahil sa COVID-19

Kaso ng COVID-19 sa Maynila, lagpas  4,000 na

Metro News

Umabot na 4,132 ang bilang ng mga kumpirmadong kaso ng COVID-19 sa lungsod ng Maynila.

Batay sa datos na inilabas ng Manila Public Information Office (MPIO), sa nasabing bilang ay nasa 1,448 ang active cases sa lungsod matapos itong madagdagan ng 418.

Nadagdagan naman ng 340 ang mga nakarekober sa sakit dahilan para umakyat na sa 2,485 ang mga gumaling.

Habang nasa 199 na ang bilang ng mga nasawi matapos itong madagdagan ng anim.

Samantala, sinabi ng MPIO na mayroon ang lungsod ng 494 na residente na itinuturing na “suspect cases” at 209 na “probable cases”.