National News
Kaso ng COVID-19 sa mababang kapulungan ng Kongreso, tumataas
Umabot na sa 85 ang bilang ng mga kumpirmadong kaso ng COVID-19 sa mababang kapulungan ng Kongreso.
Ito ay matapos magpositibo sa coronavirus ang dalawang empleyado na mula sa administrative department at payroll group, accounting service ng Kamara.
Ayon kay House Secretary General Jose Luis Montales, huling nagreport sa trabaho ang admin staff noong Setyembe 1 habang ang taga-payroll group naman ay huling nagtungo sa batasan noong Setyembre 21.
Agad aniyang nagpa-COVID test ang mga kawani matapos makaranas ng pananakit ng katawan at lalamunan, lagnat at pagkawala ng panlasa at pang-amoy.
Nagsasagawa na ngayon ng contact tracing sa mga nakasalamuha ng dalawang empleyado.
Sa kasukuyan, mayroon ang Kamara na 15 aktibong kaso ng COVID-19.