COVID-19 Pilipinas

Kaso ng COVID-19 sa bansa, umabot na sa halos 19,000

COVID-19 UPDATES National News

Umabot na sa 18, 997 ang kabuuang bilang ng kaso ng COVID-19 sa Pilipinas.

Base sa huling tala ng Department of Health as of June 2, 359 ang nadagdag sa bilang ng nagpositibo. Sa nasabing bilang, 176 ang mga bagong kaso sa nakalipas na tatlong araw, 33 ay naitala sa NCR, 89 sa Region 7, 54 sa ibang lugar.

183 naman ang bahagi ng backlog na resulta ng COVID-19 tests, 39 dito ay naitala sa NCR; 8 sa region 7; 25 ay repatriates at 111 naman mula sa ibang lugar.

84 naman ang nadagdag sa bilang ng mga gumaling kung saan nasa 4,063 na ang kabuuang recoveries.

6 naman ang nadagdag sa bilang ng nasawi.

Sa ngayon, mayroon nang kabuaang 966 na nasawi dahil sa COVID-19 sa bansa.