Connect with us

Kaso ng COVID-19 sa  bansa, umabot na sa 413,430

Umabot na sa 413,430 ang kabuuang bilang ng mga nagpositibo sa COVID-19 sa Pilipinas.

National News

Kaso ng COVID-19 sa  bansa, umabot na sa 413,430

Umabot na sa 413,430 ang kabuuang bilang ng mga nagpositibo sa COVID-19 sa Pilipinas.

Ito ay matapos makapagtala ang Department of Health (DOH) ng karagdagang 1,337 na bagong kaso ng COVID-19 sa bansa ngayong araw, Nobyembre 19.

Ayon sa DOH, ang top 5 areas na nakapagtala ng pinakamaraming bagong kaso ng sakit ay ang Davao City na may 110, Laguna na may 74, Quezon City na may 66, Batangas na may 54 at Maynila na may 53.

Samantala, 286 pang pasyente ang nakarekober sa sakit kung kaya’t nasa 374,939 na ang kabuuang bilang ng mga gumaling.

Habang 41 ang nadagdag sa mga nasawi dahilan para umabot na sa 7,998 ang death toll dahil sa COVID-19.

Nasa 30,493 naman ang nanatiling active cases na sumasailalim sa treatment o quarantine kung saan 84.5 % dito ang mild, 8 % ang asymptomatic, 2.5 % ang severe, 4.7 % ang nasa critical condition at 0.21 % ang nasa moderate condition.

 

More in National News

Latest News

To Top