Kaso ng COVID-19 sa bansa

Kaso ng COVID-19 sa bansa, posibleng umabot sa 76,000 ngayong Agosto – UP

COVID-19 UPDATES

Naniniwala si Dr. Darwin Bandoy ng University of the Philippines-Los Baños na posibleng umabot sa 76,000 ang kaso ng kaso ng COVID-19 sa sa bansa sa pagpasok ng Agosto, ngunit maaari pang mabago depende sa behavior o gawi ng publiko.

Naniniwala si Dr. Bandoy na kung susunod lang sa mga health protocols ang mga tao ay maaaring bumaba na ang positivity rate ng COVID-19 sa bansa.

Dr. Bandoy: COVID-19 Not Comparable To Other Diseases | PAGEONE

Ipinaliwanag pa ni Dr. Bandoy na kapag bumababa na ang positivity rate ay nangangahulugan ito na nag-iimprove na ang pag-detect ng bilang ng mga kaso at kakaunti na ang nagkakasakit.

Dagdag pa nito na target nila na mapababa ang positivity rate kahit na tumaas ang testing capacity sa bansa na ngayon ay umaabot sa 26,000 kada araw ang testing capacity sa buong bansa.