Maaaring sumampa sa mahigit 60,000 ang magiging kaso ng Coronavirus Disease 2019 o COVID-19 sa Pilipinas pagsapit ng ika-31 ng Hulyo ngayong taon.

Kaso ng COVID-19 sa bansa, lagpas 83,000 na

COVID-19 UPDATES

Umabot na sa 83,673 ang kumpirmadong nagpositibo sa Coronavirus Disease 2019 (COVID-19) sa buong bansa.

Sa pinakahuling datos ng Department of Health (DOH), may panibagong kaso na 1,678 sa nakalipas na magdamag.

Nakapagtala naman ng 173 na panibagong gumaling sa COVID-19 kung saan umabot na sa 26,617 ang kabuuang bilang ng mga nakarekober mula sa naturang sakit.

Habang nadagdagan naman ng 4 ang bilang ng nga nasawi kaya’t tumaas pa sa 1,947 ang death toll ng bansa sa COVID-19 pandemic.

Kaugnay nito, sinabi ni DOH Undersecretary Maria Rosario Vergiere na ang Pilipinas ay mayroong total na 107,508 beds kung saan 46% dito ay mula sa pampublikong hospital, at 54% naman ay galing sa pribadong hospitals.

Aniya,mula sa kabuuang licensed beds, mayroong 16,388 beds na nakalaan para sa COVID-19 suspects, probable, and confirmed patients at kasama na rito ang ICU, isolation beds, at  COVID-19 ward beds.