Kaso ng COVID-19 sa bansa, lagpas 72,000 na

Kaso ng COVID-19 sa bansa, lagpas 72,000 na

Breaking News COVID-19 UPDATES

Tumaas pa sa 72,269 ang kumpirmadong kaso ng COVID-19 sa bansa.

Ito ay matapos nadagdagan ng 1,594 na panibagong kaso batay sa pinakahuling datos ng Department of Health (DOH).

Mula sa kabuuang bilang, nasa 46,269 naman ang naitalang active cases.

Tumaas din ang bilang ng mga nasawi sa 1,843 matapos madagdagan ng 6 sa nakalipas na magdamag.

Gayunpaman, patuloy namang tumataas ang bilang ng mga gumagaling kung saan nasa 23,623 na ang kabuuang bilang matapos itong madagdagan ng 342.

Samantala, nasa 9,165 na ang bilang ng mga Pilipino na nagpositibo sa Coronavirus Disease 2019 (COVID-19) sa ibang bansa.

Ito ay matapos makapagtala ang Deparment of Foreign Affairs (DFA) ng 20 bagong kaso sa America, Europe at Asia Pacific Region.

Sa datos ng DFA, sa kabuuang bilang ng confirmed cases, 3,149 ang patuloy na nagpapagamot.

Wala namang nadagdag sa mga nakarekober kaya nanatili sa 5,369 ang mga gumaling.

Habang nasa 647 na ang mga nasawi matapos itong madagdagan ng 2.

Pinakamarami pa rin na tinamaan ng COVID-19 ang mga Pinoy na nasa Middle East na nakapatala ng 6,605 na kaso.

Sinundan ito ng Europe na may 1, 077; Amerika na may 701 cases habang 782 na kaso naman sa Asia Pacific Region.